Dec 24, 2009 - 5:30PM Good day! Guys tulungan po natin ang mga victims ng Sunog dito malapit sa lugar namin.. 600 na bahay po ang nasunog at 3,000 pamilya ang nawalan ng tahanan. Sana maging blessing po tayo sa kanila tutal Pasko naman kaya dapat nagbibigayan. Ginawa ko po itong campaign na ito para makatulong sa mga kababayan natin kahit sa napakasimpleng bagay lang.. hope guys makapagdonate po tayo ng kahit kaunti para sa kanila. Kesa sunugin natin ang ating mga pera sa kaunting kasiyahan ng fireworks itulong nalang natin ito sa mga taong tila mahihirapan sa pagbangong muli mula sa sunog. Di ka lang sa kanila nakatulong, nakatulong ka pa sa campaign na labanan ang global warming. Kahit sino ka pa welcome ka sa pagbibigay tulong at makakaasa kayo sakin na makakarating ang lahat ng tulong ninyo sa mga taong lubos na nangangailangan at gagarantiyahan po yan ng maliit kong pangalan.. basta no CASH po ha.. Yung mga Goods po natin puwede nyo pong idaan nalang sa area namin or pick up ko nalang po sa meeting place.. hope sa lalong madaling panahon po kasi short na po sila sa food supply and water. sana b4 new year para maibigay ko po agad. ako po mismo ang magaabot sa mga tao upang mabantayan ang inyo pong mga donasyon. MARAMING MARAMING SALAMAT PO AT GOD BLESS YOU!! Have a merry xmas and a happy new year!!! . -BRIAN BAYONA